Food & Dining

My Jollibee Valentine

I’m sure by now you’re ALL updated on the Jollibee Valentine Series commercials. Yung “Vow”, Crush”, “Date” (my favorite which got me hagulguling nalang err’time!), “Almusal” (another tearjerker huhubells, umagang-umaga umiiyak ako ano ba yan!) & “Papa” (na wala masyadong impact after the 4 previous winning stories). Jollibee really took the whole of Metro Manila by storm with its series of short films that tug on the heartstrings. May nakakatawa, may nakakaiyak, may nakakainis.. akma talaga sa pusong Pinoy. Pusong Jollibee. ;)

Truthfully, I’m a McDo girl through & through, but these recent ads got me sold on the yumburjer & the 2-pc spicy chicken joy meal with extra rice (and let’s not forget the upgrade to pineapple juice lol). Oo na, masa ako and proud hahaha! :P

But as always, I’m getting ahead of my story. Kwentuhan ko muna kayo ng sariling Valentine series ko. Ang title ko naman.. TAMPO! :P

Maganda na sana ang pasok ng araw ko eh. May regalo ako kay Kap, may bago akong display cabinet, may card, may french kiss..

*preno sound effect*

Kaso, iba ang ka-date ni Romeo sa Valentine’s Day! @_@ Kay saklap. Diba may kasabihan, ang Feb 14 ay araw para sa mga “original”. Hence, Kap my Kap spent the better part of his Valentines Day with the original Mrs. Go – si MIL. Hindi ako. Syempre pa, umikot-ikot na naman ng 360 degrees ang mag mata ko -puti nalang ang nakita wala na yung itim. At kumulot pa ang buhok ko, na-kinky sa kulo ng dugo ko hehe. ;)) Naku, wagi na naman si Mudrabells! MIL:1 | Jane:0

Hay. 30 years and I’m still being delegated to the sideline. Bigyan ako ng olympic gold medal (pati na rin jacket). At #number2angitawagmosaakin #whogoat

Kaya syempre iba din ang ka-date ko! Si Bae.. ang laging maaasahan. ;)) Ibinuhos ko nalang ang lahat ng sama ng loob ko sa korean barbecue at kimchi lol.

Pero team Jane, huwag kayong mag-alala. Bumawi naman si kumag kinagabihan..

In fairness, Kap planned for us to have dinner out. As in DINNER-dinner. Yung hindi naka-plastic laminate ang menu ha take note. But since I only get to see the 2 older kids at night when they get home from school, I requested for a quiet family dinner nalang at home so we can also celebrate Love Day with the kids. Kaya drive-thru si Kap at ang perennial sidekick naming 2 na marunong nang magmaneho ngayon. ;) While waiting, scratch-2-win muna sila at baka swertehing manalo ng brand new HONDA BR-V para kay Bae! :P

Ang mahiwagang pineapple juice, bow! :P

“Smile Naman Diyan” at “Sorry Late Ako”. Hmp, sige na nga, forgive na kita! :P MIL:1 | Jane: 1

At dahil ang February (13 at) 15 ay para sa mga number 2 (a.k.a .AKO), heto ang post-Valentine’s date namin ni Kap my Kap. MIL:1 | Jane:2

Syempre dapat lang may HHWP (holding hands while picturing) kasi nga bumabawi. :P

“Sweetheart pili ka, kahit saan mo gusto“. Ah ganun pala ha? Ok, Shang Palace please? ;)

Dahil bumalik na sa pagka-unat ang buhok ko at nahimasmasan na ako ng konti, hindi ako masyadong gumanti.. my choice: Dimsum Plus at Shang Palace Makati Shangri-La Manila. Available Mondays to Saturdays, 1094 nett. Available only during lunch time.

Dimsum Plus para parang pag-ibig namin ni Kap.. UNLIMITED na bottomless pa, lolz!

Nakakahiya man.. upon seeing us, the receptionist immediately directed us to a table for TEN. Obviously, we are legends when it comes to eating (unlimited) hehe. Buti nalang may kasama kaming 3rd wheel.. tumulong umubos ng order namin. ;))

After lunch, “Oh saan na tayo Sweetheart?” Aba, I like this maamong Kap ha. Para panigurong natuto na sya ng leksyon nya, at akin na ang araw ng pag-ibig next year.. “RUSTAN’s please Honey”. Walang kurap ang mga mata ko para alam niyang seryoso ako.

As we were HHWW (holding hands while walking) towards Rustan’s, I felt Kap’s hand getting clammy. Pinagpapawisan. Daig pa ang may pasma. Kap: “Saan tayo Sweetheart, sa mga damit ba?” Me (poker-faced): Ah hindi, madami na akong damit. Sa ground floor lang tayo Honey titingin ako sa jewelries. I swear to you, I felt Kap’s heart stop beating for 5 whole seconds HAHAHAHAHA! #rofl

Miss patingin naman yang bracelet (20,000). After a while as I was looking at Kap sweat buckets.. pakita na rin itong ternong necklace please (32,500)! ;)) Of course I didn’t buy these. Kung bibili narin ako sa presyong ganyan, totoong ginto at may bato na hehe. Lusot this time si Kap my Kap!

I hope you learned your lesson na my Honey. Hell hath no fury like a woman scorned. :P 30 years. To quote Angelica Panganiban “Ayoko ng may ka-share. Ayoko ng mayroon akong pinagbibigyan ng kalahati mo. Ayoko na. Pagod na ako. Simula ngayon ako nalang!”

 

Next year, si MIL na ang Feb 13 o 15. Akin ang Feb 14. Kap: “Okay Sweetheart”. MIL:1 Jane:3

Aprub. ;P

Previous Post Next Post

You may also like