Food & Dining

Kapitan Charming

I was supposed to have a “romantic” getaway in Clark, Subic with Kap my Kap for my birthday. Nagkataon kasing may PETDA (Petron Dealers Association) convention sila dun 3 days right after my natal day. He figured gagastos na rin lang sya, yun na din ang pa blow-out nya sa akin. Magaling, magaling, magaling. Oist Kap, wala akong masabi, tusong matsing ka talaga! #yearofthemonkey @_@

“Ok” I said. Payag ako on one condition, “you have to get the nicest room since your real purpose is not to treat me for my birthday, but to attend the convention. Dinamay mo lang ako!” Google agad siya, search pa more. Lunok, hinga ng malalim, sabay tingin sa akin. That look, how familiar! I already knew what was coming next. Tama ako: Sweetheart, ang mahal pala sobra ng suite. Gabi lang naman tayo tatapak dun, baka pwede yung regular room nalang (read: THE CHEAPEST AVAILABLE!). Sabay mala-anghel na ngiti. Hay, pa-charming ka pa jan!

Martyr that I am (Santa Jane ang itawag mo sa akin), and with a deep sigh na hugot sa kailaliman ng pagkatao ko, I gave my matamis na “Ok, fine” sabay irap and chanting the Serenity Prayer. ;))

Odds were apparently in my favor because after some deliberation, the convention was moved to Manila. Salamat naman!

Kap: Sweetheart, hindi na tayo tuloy sa Clark. Dito nalang daw sa Manila ang convention.

Me: Ok Honey, anong araw para i-kalindaryo ko na.

Kap: Parehong araw lang Sweetheart, pero ako nalang pupunta kasi mabo-bore ka lang. Dalawang araw yun eh, wala kang gagawin.

Me: Ok lang samahan kita para dalawa tayong mag-social climb. #poweroftwo Mas malakas.

Kap: Wag na Sweetheart. Sigurado boring yun.

Me: (Nakapagtataka, ayaw akong isama?? Bakeet??) Ok lang nga! Magkasama naman tayo. Para may kausap at katabi ka.

Kap: (Seeing he can’t get rid of me that easily, finally spills the beans. :| ) Sweetheart, 3k kasi isang tao. Sayang ang pera. Ako nalang a-attend.

Aysuuuuus! Lumabas ang totoong rason. Kaya naman pala, ayaw magbayad ng upuan ko. Ok fine, eh di mag-isa kang makipag-sosyalan hmp!

At the Petda Convention, World Trade Center last Feb 23..

Asosasyon ng mga gas boy! ;))

Grand raffle prize, a Toyota Pick-up! Mataimtim na ipinagdasal ni Kap yan ng ilang gabi. Unfortunately, the odds were not in his favor, paano kasi hindi ako sinama kaya wala syang lucky charm hehe.

Kap with Rabby, the boyfie of one of my favorite Tan-Gatue twinnie, and an Area Sales Executive of Petron Corp.

At may production number pa. Send sakin ni Kap: Sweetheart kumanta si Sharon -idol mo, sayang hindi mo nakita. Me: Ah ok. Sana nag-“HI” ka at nagpa-autograph man lang for me. :P

Pagtingin ko sa celphone, ABABABABABA. May sex bomb na nagpa-tanggal yata ng matris sa nipas ng tiyan? Kaya pala nung tinext ko siya at kinumusta, ang sagot, enjoy naman dawIto pala ang malaking dahilan kaya iniwan ako sa bahay?? @_@ Tinitiyak ko sayo Kap, huling el bimbo mo na itong Petda! Style mo bulok ha!

Bilang ganti, chikahan ko kayo ng “private” convo namin lol. Palo na naman ako sa pwet nito! ;P

On his first day, Kap mentioned that he wasn’t too happy with the food situation. Inggit na inggit pa ako yung lagay na yun kasi sabi ko for sure masarap ang inihandang lafang! Kaso, according to my frustrated foodie, de-takal daw yung buffet, Meaning food is sorta “restricted” in order to maximize the spread for all the attendees. Long story short, hindi sya nabusog. And food is very important to my Kap. Kahit 1 lang ang ulam he’ll be happy as long as he is busog. :))

So the next day, I was concerned & made him kumusta

Ayos, pati mga serbidor nakuha nya sa charm! Kinaibigan na daw nya lahat kaya busog-lusog na ang honey ko sa Day 2 hahaha. Wala nang takal-takal pagdating sa plato nya, de-sandok na. At malamang may seconds pa!

Hindi lang yan. More of my Kap Series, Day 2. Ewan kung matutuwa ba ako o mabubwisit. Kayo na ang bahalang humusga

Kap: Sweetheart pauwi na ako wag ka muna matulog ha madami akong pasalubong sayo.

Me: (Feeling loved & happy, bumawi naman pala ang jowa ko) Wow talaga honey? Ok I’ll wait for you. (Mej kinikilig pa ng konti) “Yaya akyat ka ng plato, kutsara at tinidor pls may uwi daw si Sir sa akin.”

Ano kaya ang pasalubong ng asawa ko? *feeling excited* I imagined kare-kare, bibingka, barbecue, pansit, atbp. My tummy was growling in anticipation!

After 30 minutes.. wakanga ETO PALA ANG PASALUBONG. Surprise – school supplies! Kalechehang mga highlighting at correction tape! Katas ng pagso-social climb. O yes hinigitan pa talaga ako! Yang mga giveaways na tig-1 lang ang pamigay bawat attendee, kay Kap, ISANG BUONG BOX ang binigay! #lakasmakauto #lakasmakaharbat

Me: Honey! Da hell we gonna do with these sangkaterbang ballpen, highlighting & corrections tapes??? Magbubukas ba tayo ng tindahan? #dafaq

Kap: Sweetheart wag mo matahin yan. 1 year supply na ng mga bata kaya nakatipid na tayo sa National. O eto, itabi mo ang kalahati, dahan-dahan lang ang bigay.

Hay nako Kap. Ewan ko sayo. E.WAN. At may natatanging crucifix pa? Eh born again tayo?? Sumisikip ang dibdib ko, dalhin ako sa albularyo stat! #stresssachest

Sabay tayong lahat, all together now: God, grant me the serenity to accept the things I cannot change. Courage to change the things I can. And wisdom to know the difference. Amen.

Oh Kap my Kap, you are one in a million billion. :-* And I love you. Happy 31st Anniversary! :-*

Previous Post Next Post

You may also like